Entertainment: Movie Stars |
|||||||
Balitang Artista |
|||||||
BY JOEBARR Finally, nagsalita na rin si John Estrada about his true feelings sa naganap na split-up between him and wife Janice de Belen.Ayon kay John, ang pag-aasawa nito ng maaga ang siyang nagng dahilan kung bakit tuluyan nang nanlamig ang kanilang samahan ng dating asawa. "Masyado kasing maaga 'yung pag-aasawa ko. (think), Hindi pa ako handa sa buhay ko, sa lahat.!" Ayon pa sa TV-host-actor. Tungkol naman sa karelasyong si Vanessa del Bianco na bagama't natsitsismis na buntis na'y wala pa ring balita kung totoo nga ito o hindi since hndi ito kinukumpirma ni John as of this writing. Basta't ang sinasabi na lamang ni John ay napaka-espesyal na babae para sa kanya si Vanessa. "She's too good to be true!" Describe pa ni Joh kay Vanessa. Ayon pa sa TV host, minsa daw ay napatunayan nito ang pagkakaroon ng kagandahang-ugali at maka-puso ng ka-live-in nu'ng sila'y nasa Baguio City for a remote telecast ng MTB. That was a year ago, sa palengke ng Baguio. "Siguro, nagandahan sa kanya 'Yong isang Ale, nagtitinda ng mangga. Pinatikman niya 'yung mangga kay Vanessa pagkatapos niyang (tindera) isawsaw ito sa bagoong. Si Vanessa naman, kahit pa hindi masyadong gamay sa bagoong, pinilit niyang kinain 'yung mangga. Tinanong ko siya, afterwards at sabi niya sa akin, kaya ko kinain 'yung mangga, kasi ayaw kong mapahiya 'yung tindera." Kuwento pa ni John sa isang talk show. 'That (gesture) alone, masasabi kong may puso siya. Maganda ang kanyang puso," at ito ang hinahanap ni John sa isang maybahay Wala namang sinabi si John na , walang puso si Janice, huh! Baka naman kung saan akarating ang mga salita ni John. |
|||||||
Dapat palang kainsekyuran at pagselosan ng baguhang star na si Cindy
Kurleto dahil bukod pa sa pam-beauty queen ang alindog ng dalaga'y isa
pa itong model at balikbayan from Switzerland. Unang break ni Cindy
ang pelikulang "Ngayong Nandito Ka!" with screen's top loveteam
Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Noong pa napi-play-up ang pagseselos n Kristine kay Cindy sa kasintahang si Jericho sa umpisa pa lamang ng promo ng nasabing pelikula since kasama dito si Cindy. Nagtatawagan at nagpapalitan daw ng mga text messages ang Hunks actor at ang queenly looking na si Cindy. Na, idininay naman ni Eco sa presscon na simply friendly text messages lamang ang mga 'yun, since ang number naman niya'y di niya kusang ipinasa kundi angmanaedyer din ni Cindy ang nagbigay sa baguhang istarlet. So, finally, nakita namin ng personal si Cindy sa "The Buzz " last Sunday at halos palakpakan ng mga audience ang presence ng dalaga sa screen at ang manner nito sa pagsasagot ng mga tanong nina kuya Boy Abunda at Kris Aquino. "Brainy at beauty ang dalagang ito, kaya dapat palang kainsekyuran, " komento ng isa naming kasamahan sa panulat. |
|
||||||
Mukhang magkakanya-kanya nang lakad ang mga miyembro ng Powerboys or ang dating Rexona Boys dahil may ilang miyembro na ang tumiwalag dito. Hindi magandang balita ito sa mga members na hindi pa stable sa kanilang propesyon unlike Jordan Herrera na isa na ring sikat na sexy actor at kabi-kabila na ang raket nito, in and out of the country. In fact, kagagalinglamang ng aktor sa japan kung saan ito nagkamal ng limpak-limpak na kadatungan dahil sa ilang series of shows dun na kanyang ipinunta. Ang init daw kasi ng clamor ng mga japayuki for Jordan's personal appearance at lukang-luka ang ating mga kababayang OCW sa guwapong aktor. Kaya lang, may tampo yata ang Viva kay Jordan dahil hindi ito nakikipag-cooperate sa promo ng kanyang bagong movie, ang "Lupe (Seaman's Wife ), with other lead stars, Andea del Rosario at Leandro Munoz. Nu'ng araw na magkaroon ng presscon, for Lupe, February 13th,Thursday, kadarating lamang ni Jordan sa airport, ng mga alas siyete ng gabi. Nakikiusap daw ang Viva staff na dumiretso siya sa presscon for added publicity dahil makakatulong din naman ang presence ni Jordan sa TV at tabloids publicities pero, inisnab ng aktor ang panawagang sumaglit siya sa Viva office. Naghintay ang ilang press people till 9pm, pero wala talagang Jordan na dumating. May ayaw kayang sagutin si Jordan kung bakit nito initsapuwera ang nasabing presscon? O, di kaya'y bilang ganti ito sa pagpupumilit ng Viva sa kanya na maghubad? Hindi ba't nagkaroon ng munting alitan ang Viva at ang tampo ni Jordan nu'ng ipagsabi nilang ang "Gamitan " na raw ang una't huling sex film ng aktor? But since may existing one-picture-contract pa ang Powerboys member sa nasabing kompanya, no way para di niya gawin ito or else… |
|||||||
|
|||||||
Terms of Use. Privacy Policy. Disclaimer.
|